Buhay ng Pinay caregiver sa Israel
To GMA Kwentong Kapuso, Magandang araw po. Sana po ay kapulutan ng aral ang kwento ko kasi marami po sa atin ang hindi alam kung ano po ba talaga ang buhay ng mga Pilipino caregiver sa Israel. March 7, 2005 nang dumating ako sa Israel, Sa tulong ng mga namumursyento sa kapwa Pilipino, pinarating ako ng aking kababayan na taga-Cavite. 8 percent per month ang bayad. Maganda ang sweldo kasi gobyerno ang nagpapasweldo. Tapos ay dadagdagan ng anak kung kulang. 550 dollars ang minimum, plus 80 shekels allowance per week. Ang una kong trabaho, malapit sa boarder ng Lebanon. Sa norte ako na-assign sa isang matandang 73 years old at may Alzheimerâs disease. Arab-Israelli ang alaga ko, Sobrang kulit, aw magpatulog sa gabi, Dahil bago pa lang ako, nagtiis ako ng 6 na buwan..Samut-saring karanasan ang dinanas ko sa unang alaga ko. Andyan na tumatakbo siya ng nakahubad palabas. Aysus, iskandalosa talaga si lola. May araw na ayaw nâya kumain sa araw, at sa gabi nanakawin nâya ang pagkain sa ref, lahat uubusin nâya, pwera lang ang nasa freezer. Buti na lang Kristiyano silal kaya pwede ang baboy. Nakakain ko ang gusto ko kainin. Nakapagsisimba ako tuwing Linggo, at syempre pa kasama ko ang alaga ko. Sa simbahan, may eksena din kaming maglola sa simbahan. Andyan na nakakapa ng dinikit na bubblegum si lola sa ilalim ng upuan at tapos ay isusubo sa bibig. Yuck!, kadiri talaga. Tapos titingnan ka pa na parang sarap na sarap sâya sa pagnguya. Dahil Arab sila, anak lang ang nakapagsasalita ng English. Tinuruan ko ang sarili ko na magsalita ng Arabic, hanggang magpaalam na ako sa anak ng alaga ko at hahanap na ako ng bagong aalagaan. Mabait ang anak kaya pinayagan ako na makaalis sa nanay nâya, at makahanap ng ibang trabaho. Ang maganda sa Israel, kasi malawak ang karapatan mo, hindi ka pwedeng pilitin pag ayaw mo na magtrabaho sa isang matanda, lalo na pagnahihirapan ka na. Sa pangalawa kong trabaho, grabe talaga. Dito ko naranasan ang hirap na kahit sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari sa akin. âYung mga napapanood ko sa mga balita sa TV tungkol sa mga worker na inaabuso. Ini-assign ako ng agent ko na Pilipina sa isang matanda na unang araw ko pa lang ay kinabahan na ako. Matalas ang tingin sa akin ng matanda at syempre, caregiver ako, panay naman ako ngiti sa kanya. Hebrew ang salita ng mga Hudyo o Jews kaya hindi ko naiintidihan ang usapan ng matanda at ng agent ko. Tatlong buwan lang ako kay Wicina, sa pangalawa kong alaga kasi ikaw ba naman ang magtulak ng wheel chair sa buong town na parang kabayo na walang pahinga, at kung tumigil ka sa pagtulak, sasabihan ka ng HEEEEEE na parang kabayo ka lang sa kanya at dapat mo siyang itulak. Nagreklamo ako sa agent kong Pilipina at sinabi ko ang kalagayan ko kaya lang talagang may kababayan tayong walang puso. Tiniis ko ang panloloko nila sa akin. Ang sweldo ko na 550 dollars ay 420dollars na lang kasi binabawasan ng anak ni Wicina. May araw na isaât kalahating araw na ang dumaan hindi pa ako pinakakain. Isinasarado ang kusina, tapos sasabuyan ka ng ihi sa gabi para di ka makatulog. Buti pa nga ang paniki nakapagpapahinga sa araw dahil gising sila sa gabi. Ako umaga hanggang umaga gising ako at pagod na pagod. Nakakakain lang ako pag nakatatakbo ako sa kapitbahay kong Pilipina o kaya pag may mga religious Jews na patagong nag-aabot sa akin ng cake at pagkain na itinatago nila sa ilalim ng palda o kaya damit nila. Awang-awa ang asawa ko sa akin. Gusto na nâya na pauwiin ako kaya lang ang laki ng binabayaran kong utang. Tapos sasabihan ka pa ng nagpapapursyento sa âyo na, Hay naku, Joan, ito lang ang binigay mo? Umiyak ako ng umiyak hanggang naisipan kong humingi ng tulong sa mga Israelli police. Salamat naman at pinakinggan ako. Sinabihan ako na exercise your rights. Na-release ako eksaktong 3 buwan ako kay Wicina. Ang dating 50 kilos kong timbang ay 40 kilos na lang at ang mata kong masayahin ay malungkutin na. Isang linggo akong nagpahinga sa flat namin bago pa ako nakahanap ng trabaho ulit. Pangatlo kong alaga, religious Jews. Unang salta ko pa lang sa bahay ng magiging alaga ko, maayos ang pakitungo nila sakin. Kaya lang mahigpit sila pag dating sa kusina kasi meron silang rules of kashrut o ito yung tinatawag na paghihiwalay ng mga gamit para sa dairy at para sa meat products. Bukod-bukod ang mga gamit, Pati ayos ng kusina napakaayos. Pag Biyernes, ito ang pinaka maraming work. Ipagluluto mo ang matanda ng pagkain hanggang para sa Sabado ng gabi. Pagpasok ng Sabbath, wala nang trabaho. Bawal lahat. Bawal kuryente, bawal telepono, lahat ng bagay na konektado sa pagtatrabaho bawal. Kaya kain-tulog lang ako mula Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng gabi. Maayos ang sweldo, maayos ang pagkain. Sila rin ang tumulong sa akin para makabayad ako sa mga Pilipina loan shark na pinagkakautangan ko ng 8 percent ang bayad kada buwan. Dito ako tumagal kasi mahal nila ako bilang caregiver at itinuturing na kaparte ng pamilya. kaya nabago ang pananaw ko sa mga Hudyo na dito pala sa Israel ay katulad din sa atin, may mga mabuting tao at meron ding hindi. Hindi lahat ng Hudyo ay masama ang ugali. Mas marami ang mabuti di man sila naniniwala kay Kristo pero naniniwala sila na ikaw ay tao at andito ka sa Israel dahil may pamilya kang umaasa ng tulong mo. Ipinakita din sa akin ng pamilya ng alaga ko ngayon na mas mahalaga ang may puso ka para sa trabaho at sa mga taong pinaglilingkuran mo kasi kahit anong hirap pa nâyan nasa huli ang sarap. Eto ang kranasan ko ngayon. Napakasaya ko kasi nag-provide ang mga anak ng alaga ko ng isang computer para sa akin para makita at makausap ko ang mag-ama ko araw-araw. Maraming salamat po sa pagbabasa ninyo ng sulat ko. Lubos na nagpapasalamat, Joan Merioles