ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Green Hills, sariling bersiyon ng Chocolate Hills ng Albay
Kung may Chocolate Hills ang Bohol, may ipinagmamalaki namang Green Hills ang lalawigan ng Albay.
Sa ulat ni Michelle Chua sa GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing makikita ang Green Hill ng Albay sa bayan ng Camalig.
Ang berdeng kulay ng mga burol ang nagpapabusog sa paningin ng mga dumarayong turista sa lugar.
Maliban sa mga burol, matatanaw din mula sa viewdeck nito ang ipinamamalaki ng Bicol na bulkang Mayon.
Mayroon pang ilang lugar na magandang pasyalan sa Camalig tulad ng Hayop-Hayopan cave sa Barangay Cotmon, at ang Tingib Falls sa Sitio Sogong, Barangay Ilawod kung saan makikita ang hukay na ginawa noon ng mga Hapon. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular