ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bayan na ipinangalan sa 13 martir


Isang bayan sa lalawigan ng Cavite ang ipinangalan sa 13 lalake na nag-alay ng kanilang buhay para sa Katipunan na naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng España. Alam nyo ba kung anong bayan ito? Setyembre 11, 1896, isa-isang inilabas sa selda sa Fort San Felipe sa Cavite ang 13 lalake upang bitayin matapos silang hatulang mamamatay ng gobyerno ng España sa salang pakikipagsabwatan sa Katipunan. At bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan, ipinangalan sa kanila ang bayan ng Trece Martires (Thirteen Martyrs) sa Cavite. Ito ay ala-ala sa kabayanin nina Luis Aguado; Eugenio Cabezas; Feliciano Cabuco; Agapito Conchu; Alfonso de Ocampo; Máximo Gregorio; Máximo Inocencio; José Lallana; Severino Lapidario; Victoriano Luciano; Francisco Osorio; Hugo Pérez; at Antonio San Agustín. Bukod sa pagpapangalan ng bayan sa kanilang pagiging martir, ang 13 barangay sa Trece Martires ay isinunod din sa kanilang mga panagalan. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia