ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Pinoy Aquaman', lumangoy ng halos 20 kilometro sa karagatan ng Cebu nang walang tigil


Nakapagtala muli ng panibagong record ang binansagang "Pinoy Aquaman" na si Ingemar Macarine matapos lumangoy sa karagatan ng Cebu sa distansiyang halos 20 kilometro.



Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing nilangoy ni Macarine ang dagat mula sa bayan ng Santa Fe sa Bantayan Island sa Cebu hanggang sa bayan ng San Remigio.

Sa kabuuan, may layong 19. 99 kilometro umano nilangoy ni Macarine sa loob ng 45 minuto nang hindi humihinto.

Sa May 10 ay lalanguyin naman ni Macarine ang Saranggani Bay, habang sa malamig na karagatan naman ng California, USA ang kaniyang target sa May 22.

Dati nang tinawid ni Macarine sa pamamagitan ng paglangoy ang Surigao Channel, at ang Alcatraz Island patungong San Francisco, California sa Amerika.

Si Macarine ay isang triathlete, environmentalist at abogado. -- FRJ, GMA News