ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang unang pagpasok ng babae sa pulitika


Ang itinuturing “Darling ng Maynila" ang sinasabing naging ehemplo ng mga kababaihan upang pasukin ang mundo ng pulitika na dating pinaghaharian lamang ng mga lalake. Taong 1937 nang ipatupad ang batas upang payagan ang mga babae na kumandidato. At sa taong ito, sumabak sa eleksiyon at nanalo bilang konsehal ng Maynila si Carmen Planas. Ang kanyang panalo ay nagpalakas ng loob sa iba pang kababaihan para tahakin ang landas ng pulitika. Nang sumunod na taon (1938), nahalal ang unang babaeng kongresista na si Elisa Ochoa na kumatawan sa lalawigan ng Agusan sa ikalawang National Assembly ng Commonwealth republic. Taong 1950 naman nang maupo sa Senado ang unang babaeng senador sa katauhan ni Geronima Pecson.- GMANews.TV

Tags: pinoytrivia