Rigodon sa DND posibleng simula ng balasahan sa Gabinete
Mariing pinabulaanan ng Malacañang nitong Linggo na may halong pulitika ang pagtatalaga kay dating Tarlac Rep. Gilbert Teodoro Jr. bilang bagong pinuno ng national defense department. Kasabay nito, inihayag ng isang senior official ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na marami pang departamento ang maapektuhan sa gagawing balasahan sa darating na mga araw. Ayon kay Presidential Adviser for Political Affairs Gabriel Claudio, ang pagkakadagdag ni Teodoro sa Gabinete ay nagdudulot ng bagong perspektibo para tugunan ang mga problema gayundin ang pamamahala sa usapin ng pangangalaga sa seguridad ng Pilipinas. Papalitan ni Teodoro si Sec. Hermogenes Ebdane Jr. na babalik naman sa dati niyang puwesto bilang pinuno ng Department of Public Works and Highway (DPWH). âThe appointment of Representative Gilbert Teodoro as secretary of national defense is intended to provide a new perspective in addressing and managing the complex issues of AFP modernization, the peace process, anti-insurgency and human rights," ani Caudio. Ang kahanga-hanga umanong kredensyal ni Teodoro ayon kay Claudio, bilang abogado, mambabatas at political leader ay magbibigay ng bagong buhay sa buong Gabinete at tiyak na magiging katanggap-tangap sa militar. Iginiit ni Claudio na walang kinalaman ang pagiging miyembro ni Teodoro ng Nationalist Peopleâs Coalition, na pinamunuan ng kanyang tiyuhin na si dating ambassador Eduardo Cojuangco Jr., kaya siya itinalaga sa DND. Batay umano sa sariling merito at kredensiyal kaya napili sa puwesto si Teodoro. Inamin naman ni Cabinet Secretary Ricardo Saludo na ang pagiging lider ng NPC ang isa sa mga ikinunsidera para piliin si Teodoro. âWe donât comment on the President's appointments except to cite the appointee's qualifications: congressman, bar topnotcher, MS (masters) in National Security Administration, NPC leader. These are the main considerations," ani Saludo sa text message. Sisimulan ni Teodoro na pamunuan ang DND sa Agosto 3 pagkatapos niyang magbakasyon. Simula sa Lunes, pansamantalang uupo bilang officer-in-charge sa DND si National Security Adviser Norberto Gonzales. Wala naman nakikitang problema si Gonzales sa pagtatalaga ng sibilyan sa DND tulad ni Teodoro dahil kabilang ito sa mga rekomendasyon ng Feliciano Commission na nagsiyasat sa bigong Oakwood mutiny noong 2003. Aminado si Gonzales na nagulat siya sa naganap na balasahan at posibleng simula pa lamang ito. Ipinaalam lamang umano sa kanya ni Executive Eduardo Ermita ang pansamantalang pag-upo sa DND nitong Linggo ng umaga, bagaman ang anunsiyo sa regidon ay naibalita nitong Sabado sa pamamagitan ni Press Secretary Ignacio Bunye. Sinabi ni Ermita na ibinalik ni Pangulong Arroyo si Ebdane sa DPWH para tiyakin na matatapos ang mga nasimulan proyekto ng pamahalaan. Idinagdag pa niya na ang mga miyembro ng Gabinete ay nagsisilbi alinsunod sa kagustuhan ng pangulo kaya maaari silang palitan anomang orasâkahit walang eleksiyon. Ang pagpasok ni Teodoro sa Gabinete ay magdadagdag sa listahan ng mga dating mamabatas na naging miyembro ng Gabinete. Kabilang dito sina Ermita, Bunye, Budget Sec. Rolando Andaya Jr., Education Sec. Jesli Lapus, Justice Sec. Raul Gonzalez, Interior Sec. Ronaldo Puno, Tourism Sec. Joseph Durano and Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo. - GMANews.TV