Info drive sa anti-terror law ilulunsad sa AFP
Ilulunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang information campaign para sa kanilang mga opisyal at tauhan kaugnay sa nakatakdang implementasyon ng Human Security Act o mas kilala sa tawag na anti-terrorism law. Ayon kay AFP public information chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, layunin nito na mailigtas ang kanilang mga kasamahan sa mabigat na parusa at multa sa mga lalabag sa naturang batas na nakatakdang ipatupad sa Hulyo 15. âWe will be informing our soldiers relative to what will be their role once the Human Security Act would take effect," ani Bacarro. Sinabi nito na inaantay na lamang ng liderato ng AFP ang kopya ng implementing guidelines, rules and regulations (IRR) na magmumula sa inter-agency body bago nila simulan ang information drive. âWe will be informing internally. Internally, we will be informing our soldiers on the provisions stipulated at the Human Security Act. That (information drive) will ensure that they themselves wouldnât be violating the provisions of the security act," dagdag ni Bacarro. Posibleng ituon ang information drive sa paraan ng pag-aresto at pagkulong ng mga pinaghihinalaang terorista. Bukod sa mga sundalo, kasama rin ang mga pulis bilang miyembro ng Anti-Terrorism Task Force, na mangunguna sa paglaban sa terorismo. Kabilang sa probisyon ng HSA ang pagbabayad ng kompensasyon sa mga tao na ikinulong dahil sa maling bintang na ito ay terorista. Aabot sa P500,000 ang kailangan ibayad ng pamahalaan bilang kompensasyon sa bawat araw ng pagkakadetine nito. Bukod pa rito ang posibilidad na makulong ang mga humuli sa pinaghinalaang terorista. Sinabi ni Bacarro na ang militar ang may pananagutan sa pagdetine ng mga pinaghihinalaang terorista. âSo we have to inform our soldiers on what they can do, what they canât do, what are the limitations of their actions on how to go about with handling of persons suspected as terrorists." Hindi umano biro ang kalahating milyon na bayad kompensasyon sa maling paghuli kaya nais ng liderato na iwasan ang paglabag sa nasabing probisyon. Ang AFP ang nangunguna sa kampanya laban sa dalawang pangunahing terrorist organization na nag-ooperate sa Southern Mindanao â ang Abu Sayyaf at Jemaâah Islamiyah, ang Al Qaeda terrorist network Southeast Asian. - Fidel Jimenez, GMANews.TV