ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Joshua at Angel pinakapopular na pangalan sa bata noong 2006


Ang mga pangalang, “Joshua " at “Angel" ang pinakapopular na pinili ng mga magulang para sa humigit sa 1.5 milyong batang ipinanganak noong 2006 , ayon sa talaan ng National Statistics Office. “Joshua" ang napiling ibigay sa 6,285 lalaking sanggol noong nakaraang taon. Ang pangalan na ito ay katulad ng sa kasama ni Moises sa Bibliya na tumulong sa kanya upang paalisin ang mga Hudyo sa Ehipto. Ito rin ang pangalan ng panganay na anak ni Kris Aquino. Sumunod naman ang pangalang “Christian", at sinundan ito ng “John Paul" na pangalan ng yumaong Santo Papa. Nagsisimula rin sa letter ‘J’ ang pito sa top ten na pinakasikat na mga pangalan. Samantala, “Angel " naman ang pinakasikat sa 4,493 na babaeng sanggol na napangalanan ng ganito. Ang iba pang katulag na pangalan ay “Angelica", at “Angela". Nakapagtala ang NSO ng 1,537,517 ipinanganak na sanggol noong nakaraang taon. Ayon kay Minet Esquiyas, assistant to the NSO administrator, importante na mabigyan ng pangalan ang lahat ng bata matapos mabigo ang mga magulang ng may 3,917 sanggol na mabigyan ng pangalan sa NSO noong 2005. "It's the first basic right of a child - the right to a name and nationality. It would be difficult for record and travel purposes if you do not have a name. Of course, you will be identified by the name," ani Esquivas. Sampung pinakapopular na pangalan sa bata noong 2006: Lalaki 1. Joshua - 6,285 2. Christian - 4,747 3. John Paul - 4,222 4. Justine - 4,117 5. John Mark - 3,882 6. Adrian - 3,755 7. Angelo - 2705 8. John Michael - 2,624 9. James - 2,535 10. John Lloyd - 2,460 Babae 1. Angel - 4,493 2. Nicole - 4,007 3. Angelica - 3,296 4. Angela - 2,396 5. Jasmine - 2,394 6. Mary Joy - 1,968 7. Kimberly - 1,771 8. Mariel - 1,747 9. Mary Grace - 1,636 10. Princess - 1,627 - GMANews.TV

Tags: popularnames, nso