ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dr. Loi Ejercito, nagdiriwang ng kanyang ika-85 na kaarawan
By MARIZ UMALI, GMA News
Enggrande ang selebrasyon ng ika-85 kaarawan ni Dra Loi Ejercito sa Blue Leaf Events Pavilion sa Parañaque City.
The Great Gatsby o the '20s ang tema ng selebrasyon na sa simula ng programa ay may nag-perform pa na naaayon sa tema.
Bukod sa kanyang pamilya sa pangunguna ni Manila Mayor Joseph Estrada, anak na sina Jackie at Jude at mga apo.
Dumalo rin ang mga malalapit na mga kaibigan at kasamahan sa pulitika.
Dumating din sina Dra. Elenita Binay na ipinakilala pa ni Mayor Erap bilang susunod na First Lady ng bansa.
Ang ilan sa mga kilalang taong dumalo ay:
Sen. Nancy at kanyang asawa...
Dating Finance Secretary Jose Pardo
Defense Sec Voltaire Gazmin
Sec Ronald Llamas
Dating Budget Sec. Ben Diokno
At iba pang cabinet members ni Erap noong pangulo pa siya.
Dating Finance Secretary Jose Pardo
Defense Sec Voltaire Gazmin
Sec Ronald Llamas
Dating Budget Sec. Ben Diokno
At iba pang cabinet members ni Erap noong pangulo pa siya.
Si Giselle Sanchez ang host.
Kabilang sa mga nagtanghal at nag-alay ng awit sina Basil Valdez at Regine Velasquez.
Dumalo rin ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Lorna Tolentino at Tirso Cruz III.
Tampok din sa programa ang AVP alay kay Dra. Loi at habang pinakikita ito ay kumanta ng tig-isang awit sina Jude at Jackie.
Naghandog ng mensahe si Erap na nagbigay pugay sa kanyang maybahay. "I will always go back to Loi..."
Hinandugan din ni Mayor Erap si Dra. Loi ng awit at sa huli ay naghandog ng matamis na halik.
More Videos
Most Popular