ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang wagayway ng bandila ng Pilipinas sa labas ng Luzon


Sa bayan ng Sta. Barbara sa lalawigan ng Iloilo napiling gunitain ni Pangulong Benigno Aquino III ang ika-117 taon ng kasarinlan ng Pilipinas. Alam ba ninyo kung ano ang kahalagahan ng nabanggit na bayan sa kasaysayan ng kalayaan ng bansa?
 
Inihayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa panayam ng dzRB radio, na sa Sta Barbara, Iloilo gugunitain ang 117th Indepdendence Day na gaganapin sa June 12, Biyernes.
 
"Doon ang celebration. Mayroon iyang background, doon sa Sta. Barbara may mahalagang historical event ... that led to our independence," paliwanag ng opisyal.

Sa website ng Sta. Barbara, nakasaad na sa plaza ng bayang ito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa labas ng Luzon bilang hudyat ng pagbuo ng revolutionary government sa Visayas laban sa mga Kastila noong Nov. 17, 1898.

Ang paglaban sa mga Kastila ay pinangunahan umano ng isang "mestizo" na si Martin T. Delgado.
 
Ang nabanggit na bayan ang naging base ng mga rebolusyunaryo sa rehiyon.
 
Sa hiwalay na ulat ng GMA Iloilo, sinabing kabilang sa mga magiging aktibidad ni Aquino sa Iloilo sa June 12, ay ang pangunguna sa flag-raising sa Sta. Barbara, kung saan magbibigay din siya talumpati. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia