ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pulis, militante nagkasakitan sa Mendiola


Isang pulis at ilang militanteng kabataan ang nasaktan nang subukan nilang magdaos ng protesta sa Mendiola nitong Biyernes ng hapon. Humigit-kumulang 300 mag-aaral na miyembro ng Anakbayan ang pinayagang mag-rally sa Morayta St. subalit nagkainitan sa mga pulis nang subukan nitong umikot papuntang Mendiola habang naghihiwalay na ang grupo bandang alas-3 ng hapon. “Pinayagan natin sila sa Recto corner Morayta, pero nagpilit sila pumunta sa Mendiola," ani Manila Police Director (MPD) acting head Senior Supt. Danilo Abarzosa sa panayam sa dzRH radio. Muntik nang madapa si Abarsoza matapos makipagtulakan sa mga estudyante at riot police. Kinilala ang nasaktang pulis bilang isang PO2 Gallardo, ayon sa ulat ng dzRH radio. Ilang militanteng estudyante ang natamaan din ng truncheons subalit hindi malinaw kung ilan talaga ang nasaktan. Samanatala, iniulat ng dzBB radio na nagpakita ang ilang miyembro ng Anakbayan sa MPD Station 4 commander Supt. Jovit Asayo ng aplikasyon upang magdaos ng rally sa Mendiola. Ayon sa kanila, kapag walang ginawa sa aplikasyon matapos ang dalawang araw, ito ay tatratuhing pinayagan na. They claimed that if the application were not acted upon in two days, it was deemed granted. “Hinaharang natin para hindi makaistorbo sa trapik at estudyante sa Mendiola. Yung pinakita nilang permit, panahon pa ni Mayor Jose Atienza Jr. Di natin pwedeng i-honor yan. Ang City Hall di pa pino-process ang request nila, “ ani Asayo. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV