Unang pangulo ng Katipunan
Kapag sinabing Katipunan, si Andres Bonifacio kaagad ang pumapasok sa ating isip. Pero alam nyo ba na hindi si Bonifacio ang unang pangulo ng Katipunan? Hindi nga si Bonifacio kundi si Deodato Arellano, ang unang pangulo ng Katipunan. Nangyari ito noong 1892 nang ihayag ng pamahalaan ng Espana ang pagpapatapon kay Dr. Jose Rizal. Dahil sa napipintong pag-exile kay Rizal, agad na itinatatag nina Arellano, Bonifacio, Teodoro Plata, Jose Dizon, Ladislao Diwa, at Valentin Diaz ang Katipunan. Sa ginawang botohan ng Supreme Council, si Arellano ang inihalal nilang pangulo. Nang pumutok ang digmaan noong 1896, sumama si Arellano sa mga katipunero sa Bulacan kasama si Gen. Gregorio H. del Pilar. Sinasabing sa sakit na tubercolosis bumigay ang kalusugan ni Arellano noong panahon ng pakikidigma sa puwersa ng Amerika sa kabundukan ng Cordillera. Inihimlay ng mga kapwa katipunero ang kanyang labi sa La Trinidad, Benguet. - GMANews.TV