ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mabahong amoy mula sa babuyan, perwisyo sa mga estudyante sa isang paaralan sa Ilocos Norte


Dahil sa mabahong amoy, nagkakasakit na raw ang ilang estudyante sa isang paaralan sa Dingras, Ilocos Norte na nagmumula sa kalapit na babuyan.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabing nahihilo at sumakit daw ang tiyan ng ilang estudyante ng Dingras National High School dahil sa mabahong amoy.



Kaya naman kahit nagkaklase, nakatakip ang ilong ng mga mag-aaral.

Nahihirapan din silang kumain dahil umaabot ang mabahong amoy hanggang sa kanilang canteen.

Sinabing nakipag-usap na raw ang may-ari ng babuyan sa pamunuan ng paaralan.

Inaaksyunan na rin umano ng lokal na pamahalaan ang reklamo ng eskwelahan. -- FRJ, GMA News

Tags: classroom