ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PHL diving team sa 2015 SEA Games, pinutakti ng batikos sa social media


Kumakalat sa social media ang video ng mga pambato ng Pilipinas sa diving na sina John Elmerson Fabriga at John David Pahoyo sa ginanap na 2015 Southeast Asian Games ngayong Hunyo dahil sa kanilang hindi magandang performance sa naturang palakasan.

Parehong nakakuha ng score na zero sa solo diving competition ang dalawang atletang Pinoy, at maraming social media accounts ang nambabatikos at ang ilan ay pinagtatawanan ang dalawa.

Sa Facebook page na 'All Singapore Stuff,' sinamahan ng caption na “Ulitimate Diving skills spotted at SEA Games 2015. Courtesy of the Filipino Diving Dynamic Duo” ang video na nagpapakita ng diving performance nina Fabriga at Pahoyo sa SEA Games ngayong taon.

 

Ultimate Diving skills spotted at SEA GAMES 2015 Courtesy of the Filipino Diving Dynamic Duo :P#ZeroFighters #MustWatch

Posted by All Singapore Stuff on Wednesday, June 10, 2015


Mayroon pumanig sa social media page at nakisali habang pinagkatuwaan ang performance ng Pinoy divers. Ngunit may mga iba naman na hindi sumang-ayon sa ginawa ng FB page, at ipinagtanggol ang dalawang atleta. Ayon sa kanila, ginawa ng mga Pinoy ang lahat na makakaya upang makapagpakitang-gilas sa kompetisyon.

Ayon sa Facebook user na si Adrian Tan Yen Sern, “Athletes give other athletes respect. Even though it's a bad attempt, they tried. That's all that matters in sports.”

Kabilang rin sa mga nagtanggol sa mga Pilipino ang ilang Singaporeans.

Ang Singapore ang napiling host ng 2015 SEA Games, at naniniwala umano ang ilan na hindi dapat mambatikos ang mga Singaporean.

“Do we, as Singaporeans, feel more united when we insult a 'common enemy'? When it's not Malays discriminated by the Chinese, or Opposition persecuted by the PAP, or that haves vs the have-nots, why do we find it in ourselves to pick on others so we feel better? I can see the humor of the failed diving attempt, and I'm sure the Pinoys saw it too, but to use this to launch nationalistic slurs and insults on the entire race is low, immature and un-Singaporean. Do you expect the Pinoys to read these comments and not react? Of course they will, and it's only going to incite more animosity between both countries. Can we all try to be more respectful as human beings?” sabi ng Facebook user na si Lester Ng Do.

Samantala, hindi naman nagpatinag sina Pahoyo at Fabriga sa mga natatanggap na pambabatikos, at sa halip, naglaan pa sila ng oras upang magpahayag ng suporta sa isa't isa at magpasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanila kasabay ng pagsabak nila sa pinakamalaking kompetisyong kanilang nilahukan bilang mga atleta.

Inamin naman nila na apat na araw lamang silang nakapag-ensayo para sa synchonized diving competition, ngunit ginawa raw nila ang lahat ng kanilang makakaya at nilagpasan ang kanilang mga kahinaan para sa SEA Games, kaya proud umano sila sa kanilang nagawa.

“I'm so proud of us pakner John Fabriga, we really did our best despite of we just practiced this synchro dives for just 4 days, even though we failed to win, but atleast we did overcame what we once knew was out limit, and that makes us a champion ,” ayon kay Pahoyo sa isang Facebook post.

Nagpasalamat rin sila sa kanilang coach na si Brian Palattao at sa mga naniwala sa kanila hanggang sa dulo ng kompetisyon na naging dahilan ng pagpasok nila sa 2015 SEA Games. — LBG, GMA News