ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buntis, patay matapos ilang ulit masagasaan ng mga sasakyan; mga nakasagasa, 'di tumigil


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang buntis sa Owas, Albay na nagkalasog-lasog ang katawan matapos na paulit-ulit na masagasaan ng mga sasakyan.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing hindi na matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa tindi ng sinapit nito.



Hindi rin nakaligtas ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Wala rin umano sa mga nakasagasa sa biktima ang huminto para tulungan ang babae.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing nakita ng ilang tao ang biktima na palaboy-laboy sa kalsada bago maganap ang insidente.

Hinihinala rin na may diperensiya sa pag-iisip ang biktima. -- FRJ, GMA News