7.6 milyong Pinoy ay 'overemployed' - DOLE
Isa sa bawat apat na nagtatrabahong Filipino ang âoveremployed" o gumugugol ng 48 oras sa trabaho kada linggo para sa dagdag na kita, base sa ulat ng Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay Labor Secretary Arturo Brion, karamihan sa mga overemployed workers ay kumukuha pa ng ibang trabaho. Sa ulat ng BLES, 22.9 porsiyento ng 33 milyong employed Filipino workers noong 2006 ay overemployed. Ibig sabihin, 7.6 milyon ang overemployed Filipinos sa bansa. Ipinapakita rin nito na karamihan sa mga overemployed workers (58.5 percent or 4.4 million) ay nagtatrabaho para sa dagdag na kita. Mula dito, 2.5 milyon o 57.4 porsyento ang lalaki. May 40 porsyento naman ay may ibang kadahilanan sa pagtatrabaho ng sobra. Ayon kay Brion, mahalaga ang mga numerong ito upang makahanap ng solusyon sa âemployment problemsâ ng bansa. Iginiit niya na kailangang tingnan mabuti ang problemang ito sapagkat ang mahabang oras ng pagtatrabaho ay nakasasama sa kalusugan ng tao maging sa âproductivity levels, work quality, and balance between work at family life." Ayon sa International Labor Organization Convention No. 1, hindi dapat hihigit sa 48 oras ang pagtatrabaho ng isang tao kada linggo. Binanggit din ito sa 1974 Philippine Labor Code na nagsasaad na ang normal na oras ng paggawa ng isang empleyado ay hindi lalabis sa 8 oras kada araw at maaring magpahinga ng sunud-sunod na 24 oras kada anim na sunud-sunod na normal work days. Ipinapakita rin ng datos na ang proporsyon ng overemployed sa kabuuang employed ay 22.9 percent noong 2006. Hindi ito halos nagbago kumpara sa 21.5 percent overemployed workers noong 2001. Mula sa datos, lagpas sa kalahati (4.1 milyon) ng mga overemployed noong 2006 ay lalaki. Noong 2001, ang mga taong nasa 35-44 na gulang ang may pinakamalaking porsyento 25.5(1.6 million) ng labis na nagtatrabaho. Limang taon ang nakalipas, mga taong nasa 25-34 taong gulang na nasa 2.1 milyon o 27.5 porsyento naman ang kabuuan ng mga overemployed. Nangangahulugan lamang na bumabata ang mga overemployed. Sa usapin ng edukasyon, ang mga high school students ang may pinakamalaking bilang ng nagtatrabaho ng mahabang oras (1.8 milyon o 29.2 porsiyento) noong 2001 at 2.3 milyon noong 2006. Maliit ito ng 10 porsyento ng mga overemployed na graduate ng college, 5000,000 noong 2001 at 708,000 noong 2006. Aabot ng 65 porsyento (4 milyon noong 2001 at 5 milyon noong 2006) na overemployed ay may asawa. One third ng overemployed married workers ay may gulang na 35-44 taon. Bagamat sila ang may pinakamalaking share noong 2006, bumaba ang proporsyon nito, kabilang ang mga may 45 taong gulang na, ay bumaba noong 2001. samantala tumaas naman ang bilang ng overemployed na nasa pagitan ng 15-24 na taong gulang. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV