ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
WATCH: Kisame ng sinehan sa Cebu, bumagsak; 6 katao, sugatan
Anim katao ang nasaktan nang bumagsak ang kisame ng isang sinehan sa loob ng isang mall sa Cebu City.
Sa ulat ng GMA News TV's News To Go nitong Martes, sinabing naganap ang insidente sa loob ng Ayala Center Cebu dakong 8:00 p.m. nitong Lunes.
Ang insidente ay nakunan ng video ng Youscooper na si Charles Chamberlaine Igot.
Bago bumagsak ang kisame, may mga tumulo munang tubig mula sa itaas ng sinehan.
Higit nasa 300 katao raw ang nasa loob ng sinehan na dumadalo sa grand launch at team building ng isang kompanya.
Isa umano sa mga nasaktan ang dinala sa ospital.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Ayala Center sa nangyaring insidente. -- FRJ, GMA News
Tags: ayalacenter, ayalacentercebu
More Videos
Most Popular