ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Trabaho na may pinakamalaking sahod


Sa ulat ng National Statistical Coordination Board para sa 2006 Philippine Statistical Yearbook, lumabas na ang nagpapalipad ng mga commercial airplane ang may pinakamalaking sahod sa Pilipinas. Batay sa nasabing listahan, ang piloto ng mga commercial airplane ay sumasahod kada buwan na aabot sa P100,000. Bukod sa piloto, ang trabaho na may pinakamataas na sahod ay ang navigators at flight engineers. Samantala, P4,700 sahod kada buwan ang itinuturing pinakamababang suweldo para sa isang “regular" na manggagawa. Ang ganitong sahod ay nakukuha umano ng mga nagtatrabaho sa minahan. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia