ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hinihinalang miyembro ng 'Basag-Kotse' gang, iniwan ang getaway car para makatakas


Matapos masukol, napilitan ang dalawang hinihinalang miyembro ng "Basag-Kotse" gang na iwan ang kanilang getaway car at pati na ang mga ninakaw na gamit mula sa biniktimang sasakyan para makatakas sa Quezon City.



Dakong 8 p.m. nang umatake ang mga suspek at basagin ang salamin ng bintana ng kotse na nakaparada sa Teachers Village, Quezon City.

Nakuha ng mga magnanakaw mula sa pinuntiryang sasakyan ang tripod at backpack na may lamang DSLR camera.

Matapos makuha ang mga gamit, tumakbo ang suspek patungo sa nag-aabang na getaway car na isang Mitsubishi Lancer (may plakang WDK-865).

Ayon sa ilang saksi, humarurot paatras ang sasakyan ng mga suspek pero napatigil ang mga ito at napilitan bumaba, at iwan ang kotse nang makita nilang sarado na ang gate na kanilang lulusutan.

Bagaman nagawa pa ring makatakas ng dalawang suspek, iniwan naman nila sa inabandonang getaway car na muntikan pang mahulog sa hinuhukay na drainage, ang nakuha nilang mga gamit mula sa biktima.

Patuloy na imbestigasyon ng pulisya tungkol sa naturang insidente. - Micaela Papa/FRJ, GMA News