ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rafanan ibinalik na pinuno ng Comelec-NCR


Itinalagang muli bilang pinuno ng Commission on Elections (Comelec) National Capital Region (NCR) ang kontrobersyal na si Ferdinand Rafanan matapos mailagay sa “floating status" ng ilang buwan. Kinumpirma ito nitong Lunes ni Michael Deoneda, NCR director III, at tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez. Tinanggal sa pwesto si Rafanan noong Disyembre ng nakaraang taon, at maitatalaga sa dati nitong pwesto sa tulong ni Comelec chair Benjamin Abalos Jr. Ayon kay Deonada, ang utos na isinulat ni Abalos ay nag-uutos kay Rafanan na bumalik, “as commissioner-in-charge of the NCR," sa ika-12 ng Hulyo. Hindi ipinaliwanag ang muling pagtatalaga kay Rafanan, ayon kay Deoneda. Dating pinamunuan ni Rafanan ang education and information division (EID) ng Comelec bago nalipat sa NCR, st tinanggal dahil sa “insubordination." Dumating ang utos matapos pangunahan nito ang kanyang opisina na tanggihang patunayan ang mga lagda na nakuha ng grupong nagtutulak ng Charter change. Ibinigay niya ang kautusan sa mga NCR election officers noong ika-29 ng Marso ng nakaraang taon, matapos magbigay ng direktiba si Alioden Dalaig, pinuno ng legal department ng Comelec, na tingnan ang mga lagda na isinumite ng grupong Sigaw ng Bayan. Noong 2004 elections, tinanggal si Rafanan bilang NCR head at inilipat nina Abalos at Virgilio Garcillano sa Eastern Visayas, ilang sandali matapos nitong kalabanin ang mga kandidatong lumalabag sa mga batas kontra campaign advertisements. Sa isang naunang panayam, sinabi ni Jimenez na ang pagtatanggal kay Rafanan ay hindi dahil sa kanyang posisyon sa people’s initiative kundi dahil sa “attitude problems" ayon sa hiling ng mga NCR election officers. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV