ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nasaan ang ‘Kilometer Zero’


"Ang Kilometer Zero o "Km 0" ay palatandaan kung saan nagsisimula ang pagsukat sa distansiya ng mga lugar o lalawigan sa Pilipinas. Alam nyo ba kung saan makikita ang palatandaan na ito? Madalas makita sa biyahe ang marka kung gaano na kalayo ang narating ng isang tao, ang sukat o distansiya ng mga lugar ay nagsisimula sa flagpole ng Luneta o Rizal Park sa Maynila—at ito ang tinatawag na Kilometer Zero. Halos lahat ng bansa ay may kanya-kanyang Kilometer Zero at kadalasang nakikita ito sa kapitolyo, tulad ng Maynila na siyang kabisera ng Pilipinas. Sa Luneta, Bagumbayan kung tawagin noong panahon ng pananakop ng Kastila binaril at pinatay ng mga sundalong Espanol ang bayaning si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia