ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Alyssa Valdez, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga bata
Ipinagdiwang ng volleyball superstar mula sa Ateneo de Manila University na si Alyssa Valdez ang kanyang 22nd birthday kasama ang ilang mga kabataan mula sa charity foundation na kanyang sinusuportahan.
Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Lunes, kasama ni Alyssa ang isa pang star athlete at basketball superstar ng Ateneo na si Kiefer Ravena, pati ang iba pang mga miyembro ng Ateneo Blue Eagles, sa pamimigay ng mga laruan, t-shirt, at pagkain para sa mga bata.
“I love kids. Nag-start rin naman kami sa ganyan, na kami ang bata, walang masyadong alam. I think it's time to give back,” pagbabahagi ng volleyball player.
Nakipaglaro rin ang two-time University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player, na kakagaling lamang din sa Singapore ngayong taon bilang isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa nagdaang 2015 Southeast Asian Games.
Hindi man daw nakapaguwi ng medalya ang sikat na atleta, na itinanghal rin bilang MVP sa nagdaang 2015 Shakey's V-League Open Conference, marami naman daw siyang natutuhan mula sa karanasang ito kasama ang ilan pa sa mga premyadong atleta ng bansa.
Sa ngayon, abala si Alyssa sa paghahanda sa kanyang huling season sa collegiate athletic competition sa ilalim ng UAAP. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: alyssavaldez
More Videos
Most Popular