ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Isyu sa West PHL Sea, hindi mauuwi sa digmaan –Chinese envoy


Hindi raw nakikita ng ambassador ng China sa Pilipinas na si Zhao Jianhua na hahantong sa digmaan ang agawan ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Sa isang panayam, sinabi ni Zhao na hindi polisiya ng China ang manggiyera ng ibang bansa.

"I cannot imagine China would wage a war against the Philippines over the disputes we have in the South China Sea. It's not China's policy and will not be China's policy in future," aniya.

Dagdag pa ng opisyal, hindi dapat gawing military issue ang nangyayari sa West Philippine Se sapagkat isa itong political at diplomatic issue na kailangan din ng political at diplomatic na solusyon.

"We should not define these disputes as military issues because they are political and diplomatic issues, which require political and diplomatic solution. So we need to be very careful to avoid defining the issue as military issue," ani Zhao.

Ito ay sa gitna ng agresibong reclamation activity ng China at pagtatayo ng mga istruktura sa mga bahurang pinag-aagawan ng China at Pilipinas. Sa taya ng ilang security analysts, maaring gamitin ng militar ng China ang mga pasilidad sa West Philipine Sea.

Sa Martes, nakatakda ang oral arguments ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague
kaugyan sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa China. Matatandaang hindi kinikilala ng China ang nasabing kaso.

"We have made our position quite clear. And our position is consistent.. Will not accept nor participate in the arbitration," ani Zhao.

Ang kailangan daw, bilateral talks sa pagitan ng dalawang bansa upang masolusyunan ang isyu.

Nakapanayam ng media si Zhao nitong Lunes nang umaga matapos mag-donate ang Chinese Embassy ng 1,844 sa National Library.

Sabi ni Zhao, mahalaga ang mga libro upang magkaintindihan ang mga Pilipino at mga Tsino

Ayon kay Antonio Santos, direktor ng National Library, ilalagay nila sa Chinese section ng National Library ang mga libro. Ang ibang kopya, maaari raw nilang ibahagi sa mga public library sa ilang parte ng bansa

Ani Santos, mahalaga ang mga libro para sa research tungkol sa China. —KBK, GMA News