Mga kalyeng nagsisimula sa ‘Scouts’
Marami ang posibleng natatanong kung bakit nagsisimula sa âScouts" ang mga kalye sa paligid ng Timog Avenue at Tomas Morato sa Quezon City. Ang dahilan, ang mga kalyeng ito ay ipinangalan sa isang grupo ng kabataan na namatay sa sakuna habang patungo sa isang pagtitipon sa ibang bansa. Hulyo 26, 1963 nang masawi ang 20 Pinoy Boy Scouts at apat nilang opisyal na dadalo sana sa 11th Jamboree sa Greece. Bumagsak sa karagatan ng Bombay, India ang eroplanong sinasakyan nila. Nagluksa ang mundo dahil sa naturang trahedya at ang mensahe ng pakikiramay ay dumagsa sa Pilipinas mula sa ibat-ibang bansa. Bilang pag-alala sa mga pumanaw na Scouts, ipinangalan sa kanila ang mga kalye sa Quezon City na dating tinatawag na Project 1. Maging ang pagtitipon na kanilang dapat na dadaluhan ay ipinangalan din sa kalye, ang âJamboree St.â Isang monumento rin ang itinayo sa rotonda ng Timog at Morato para sa mga pumanaw na Scouts. Bukod pa rito ang Ala-Ala mausoleum na itinayo naman sa North Cemetery. Kabilang sa mga nasawing Scouts ay sina Ramon Albano; Patricil Bayoran Jr.; Roberto Castor; Henry Chuatoco; Jose Antonio Delgado; Felix Fuentebella Jr.; Pedro Gandia Jr.; Victor de Guia Jr.; Antonio Limbaga; Roberto Lozano; Paolo Madrinan; Jose Fermin Magbanua; Romeo Rafael Rallos; Filamer Reyes; Wilfredo Santiago; Benicio Tobias; Antonio Torrillo; Ascario Tuason Jr.; Rogelio Ybardolaza; Gabriel Borromeo. Kasama nilang nasawi ang Scoutmaster na si Dr. Bonifacio V. Lazcano; Assistant Scoutmasters Florante L. Ojeda, Librado L.S. Fernandez at Rev. Fr. Jose A. Martinez. - GMANews.TV