Dagdag na tropa dumating sa Basilan
Dumating na sa Basilan ang karadagang mga sundalo para sa paghahanda sa isang malawakang opensiba laban sa mga rebeldeng Muslim na pinaghihinalaang namugot ng ulo ng 10 Marines noong ika-10 ng Hulyo. Iniulat ng Mindanao Examiner (www.mindanaoexaminer.com) na sinabi ni Marine Col. Ramiro Alivio, commander ng Basilan military, na daan-daang mga tropa ang dumating, kabilang ang ilang presidential guards. âWe are ready for the punitive action," ani Ramiro, pero hindi sinabi nito kung kalian sisimulan ang opensiba. Nagbabala naman si Abdurahman Macapaar, senior leader ng 2nd Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), na ang gawing pag-atake ng mga sundalo laban sa mga suspek ay makapag-udyok ng labanan sa ibang mga lugar sa Basilan. Pero sinabi ng MILF sa isang pahayag na hinihintay na nito ang pagdating ng Marines. âWe will wait for the aggressors to come, as we fought them on July 10, 2007 when the Philippine Marines attacked us," ayon sa pahayag ng MILF sa website nito (www.luwaran.com). âOur fighters in Basilan will now invoke our right to self-defense, which is a God-given to anyone who is attacked right in his homes," dagdag pa ng pahayag. Ayon sa MILF ang kanilang âfreedom fighters" sa Basilan ay nagtala ng pinakamagaling na record sa pakikipaglaban sa kasaysayan ng kanilang grupo. Sinabi nitong noong 1996, nalipol nila ang mga sundalo at naagaw ang pitong tankeng pangdigma sa loob ng 14 na araw na bakbakan. - GMANews.TV