FVR, iba pa nadismaya sa SONA ni Arroyo
Pinangunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang mga nadismaya sa katatapos lamang na state of the nation address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, habang iginiit niya na puro pangako lamang ang binitiwang salita nito. "Right now, it's all promises. During the first SONA, there were promises. Even the Congress was all promises. But what is needed is performance," ani Ramos sa panayam ng dzMM radio nitong Lunes ng gabi. Nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Mrs. Arroyo na hindi siya magiging sagabal sa ambisyon ng ilang nag-aambisyon sa gobyerno, mariing isinagot ni Ramos: âThat's an old tune. Just do [it]." Matagal nang taga-suporta ni Arroyo si Ramos lalo pa nang maugong ang panawagan na bumaba na ang Pangulo sa pwesto noong 2005. Subalit inamin din ni Ramos na naging mabagal sa pagpapatupad ang administrasyon ng mga repormang inirekomenda niya sa Pangulo, tulad na lamang ng pagbaba nito sa pwesto ngayong 2007. Samantala, hindi naman nagkakalayo ang pagtingin ng ilang kritiko ng Pangulo sa kanyang talumpati na tumagal ng 56 minuto sa harap ng magkasanib na sesyon ng Senado at Mababang Kapulungan sa Batasang Pambansa. âWeak, boring and without surprises." 'Yan ang reaksyon ng mga non-government organizations (NGO) sa ika-pitong SONA ni Arroyo. Ayon sa abogadong si Marlon Manuel, convenor ng Alternative Law Groups Inc, at Ramon Casiple ng Institute for Political and Electoral Reform, kulang sa âvim" at âvigor" ang talumpati ng Pangulo para kumbinsihin ang tao na siyaây para sa mahirap. âThe SONA policy pronouncements â for a president, pretending to be strong â are very weak," ani Manuel. âWe did hear her saying that her administration will transform farmer-beneficiaries into agribusiness people. But we did not hear her say that before this becomes a reality, her administration will get these lands from recalcitrant landowners who still control hundreds of thousands of prime agricultural lands," idinagdag pa nito. Walang laman Bagamat binanggit ng Pangulo na titingnan niyang mabuti ang mga problema sa polusyon, ani Manuel, nabigo naman itong sabihin na ang pangunahing dahilan nito ay ang âlarge-scale investments." âWalang surprises masyado, kasi sinabi na ni (Press Secretary Ignacio) Bunye before ang highlights ng SONA," ani Casiple. Ang tanging bago lamang diumano sa talumpati ng Pangulo ay ang pampulitikang limitasyon ng kanyang administrasyon. âWalang nasabi basically na nag-reach out sa opposition. The SONA was primarily for the middle class, businessmen and the government and may be for the moderate opposition," dagdag niya. Kung tunay daw na nais ni Arroyo ng pagkakaisa, dapat daw ay nagpahayag ito ng kagustuhang makipag-usap sa mga pangunahing lider ng oposisyon na sina Sen. Panfilo âPing" Lacson, dating Pangulong Joseph Estrada, ang Liberal Party sa ilalim ni dating Sen. Franklin Drilon, ang ilang makakaliwang grupo at ang Black and White Movement na pinangungunahan ni dating social welfare secretary Dinky Soliman. Inaasahan din daw ni Casiple na may sasabihin si Arroyo sa pagbalasa ng gabinete. âThere was nothing about the revamp, what she did prior to her SONA was a partial reshuffle, appointing new cabinet heads who are also her allies," aniya. Tikom sa mga pagpatay Kapansin-pansin din diumano ang tila walang pakialam ni Pangulong Arroyo sa laganap na political killings sa bansa. "Are the Legislature and the Congress the only ones to solve the problem? What about the executive? What will it do? I didnât hear the President taking her part to solve the problem," ani Manuel. Sumang-ayon din dito ang kilalang oposisyon at bagong halal na minority floor leader na si San Juan Rep. Ronaldo Zamora. "Walang masyadong bagay na binanggit doân sa extrajudicial killings,âyong resulta ng summit. Sana sa mga bagay na ito pinagbigyan nâya ng account na talagang humihingi ng solusyon sa problemang ito ," aniya. Ang baguhang mambabatas na si Taguig-Pateros Rep. Laarni Cayetano ay nadismaya rin sa tila kabiguan ng Pangulo na solusyonan ang mga pagpatay sa bansa. "Nalungkot ako dahil hindi pinagtuunan ng pansin ang extrajudicial killing," tugon ni Cayetano. Inaasahan din daw ni Cayetano na pagtutuunan ng pansin ng Pangulo ang kabuhayan ng mga tao na nasasagasaan ng kahirapan at kakulangan ng edukasyon. âThese were just mentioned in passing," dagdag niya. Samantala, hindi rin natuwa si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo dahil halata daw na nilagpasan ng Pangulo ang isyu ng political killings. âKapansin pansin na silent siya roon sa recommendation ng summit kung ano ang dapat gawin ng executive branch tungkol sa extrajudicial killings," aniya. Protesta Sinalubong ng tinatayang 3,000 nagpo-protesta si Pangulong Arroyo sa araw ng kanyang SONA. Ilang militanteng grupo ang nagtipon-tipon sa tapat ng St. Peterâs Church sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kung saan napigilan sila ng mahigit 9,000 pulis at 800 militar na umabante patungong Batasan Complex. Sinunog ng mga militante ang isang malaking effigy ng Pangulo kung saan inilarawan siya bilang isang manananggal. Noong nakaraang SONA naman, ginawang babaeng ahas o Valentina ang Pangulo. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV