ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang bayan sa Pangasinan at Pampanga, binaha dahil sa pag-ulan


Binaha ang anim na bayan sa Pangasinan at ilang barangay sa isang bayan sa Pampanga dahil sa nararanasang pag-ulan.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing ang mga bayan sa Pangasinan na nakaranas ng pagbaha ay ang Calasiao, Santa Barbara, Bolinao, Bani, Bugallon at Labrador.



Nagpatupad umano ng forced evacuation sa ilang lugar sa Bani at Bolinao. Habang sa Calasiao naman ay umapaw ang isang ilog na naging dahilan para maapektuhan ng baha ang limang barangay.

Umabot naman sa hanggang baywang ang baha sa ilang barnagay ng Santa Barbara. Gayunman, hindi pa rin lumilikas ang mga residente dahil karaniwan na umano itong nangyayari sa kanilang lugar.

Dalawang araw na ring binabaha dahil sa pag-ulan ang barangay San Agustin sa Santa Ana, Pampanga, at umapaw na ang tubig sa ilog.

Pinasok na ng tubig ang maraming bahay at  hindi na makadaan ang maliliit na sasakyan ang mga binahang kalsada. -- FRJ, GMA News

Tags: flood