Unang State of the Nation Address (SONA)
Sa State of the Nation Address o mas kilala sa tawag na SONA inilalahad ng Pangulo ng Pilipinas ang kalagayan ng bansa. Alam nyo ba kung sino ang Pangulo na unang nagsagawa ng SONA at kailan ito naganap? Si dating Pangulong Manuel L. Quezon ang sinasabing unang pangulo ng bansa na nagsagawa ng SONA noong June 1936. Unang nabanggit ang pagsasagawa ng SONA sa 1935 Constitution na nakapaloob sa Article VII, Section 10 kung saan nakasaad na: âThe President shall from time to time give to the Congress information on the state of the Nation, and recommend to its consideration such measures as he shall judge necessary and expedient." Ang SONA ng Pangulo ay isinasagawa taun-taon kasabay ng pagbubukas ng regular na sesyon ng dalawang sangay ng Kongreso, ang Kamara de Representante at Senado. Kasama sa laman ng SONA ng Pangulo ang mga programa at proyekto na naisakatuparan ng pamahalaan, at mga nais pa nitong gawin sa nalalabing taon ng kanyang termino. Sa SONA ay nalalaman din ang mga panukalang batas na nais ng Pangulo na dapat bigyan prayoridad ng Kongreso. - GMANews.TV