ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

State of calamity, idineklara sa Legazpi City dahil sa mataas na kaso ng mga nakagat ng aso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isinailalim sa state of calamity ang lungsod ng Legaspi sa Albay dahil sa mataas na kaso ng mga nakagat ng aso sa lugar.
 
Sa ulat ng GMA News TV Live nitong Miyerkules, sinabi ng lokal na pamahalaan na sa loob lamang ng anim na buwan ng 2015, umabot na sa 2,000 ang nakagat ng aso sa Legaspi.



Sa naturang bilang, lima sa mga biktima ang nasawi.

Ang insidente umano ng kagat ng aso sa unang anim na buwan ng taon ay halos doble na raw sa bilang na naitala sa kaparehong panahon noong 2014.

Paalala naman ng city veterinarian sa mga may-ari ng aso, maging responsable at pabakunahan ang kanilang mga alaga.

Para mapigilan ang lalo pang pagdami ng dog bite incidents at rabies cases, gagamitin ng lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund para maglunsad ng mga kakailanganing programa. -- FRJ, GMA News

Tags: rabies