ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

CA: MMDA can’t implement anti-smoking campaign


(Updated 2:05 p.m.) Pinawalang bisa ng Court of Appeals ang anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority dahil wala raw kapangyarihan ang ahensiya na magpatupad nito.
 
Sa isang desisyon ng 12th Division ng Court of Appeals, sinabi nito na hindi kasama ang MMDA sa mga ahensiyang binibigyang kapangyarihan ng Tobacco Regulations Act of 2003 o RA 9211 na magpatupad ng mga probisyon ng batas.
 
Kinuwestiyon ng dalawang nahuling naninigarilyo ang kampanya ng MMDA at naghain sila ng petisyon kontra rito sa Mandaluyong Regional Trial Court.
 
Noong July 21, 2011, nagpalabas ng TRO ang Mandaluyong Trial Court laban dito.
 
Sang-ayon naman ang Court of Appeals sa desisyon ng mababang hukuman na walang kapangyarihan ang MMDA na magpatupad ng smoking ban dahil hindi ito nakalista sa mga ahensiya sa ilalim ng IAC-tobacco na magpapatupad ng probisyon ng batas.
 
“Clearly, R.A. no. 9211 did not give the … MMDA the power to implement the law,” ayon sa Court of Appeals.
 
Dagdag pa ng korte, wala rin daw sa mga anti-smoking ordinance ng Quezon City, Mandaluyong, at Parañaque na dine-deputize ang MMDA na ipatupad ito.
 
“…nowhere in the Anti-Smoking ordinances … of the local government units, particularly Mandaluyong City, Quezon City and Paranaque City do we find a grant upon …MMDA of the power and authority to implement such ordinances,” ani ng Court of Appeals.
 
“…MMDA’s resolution no. 11-19 implementing Republic Act 9211 is hereby declared invalid,” dagdag pa nito. 

Hindi titigil sa kampanya kontra paninigarilyo

Pero sabi ng MMDA, hindi raw nila ititigil ang anti-smoking campaign nito.
 
Sa isang text message, sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na lahat ng 17 siyudad at munisipyo ay sumang-ayon na i-deputize o bigyang kapangyarihan sila na ipatupad ang R.A. 9211.
 
Binigyan na rin daw sila ng deputization memorandum order galing sa Department of Health at LTFRB.
 
"We are not stopping the campaign on anti-smoking," ani Tolentino. — RSJ, GMA News
 
Tags: mmda, smoking