ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
VP Binay at Rep. Gloria Arroyo, nagkita sa burol ni Arturo Macapagal
Kabilang si Vice President Jejomar Binay sa mga unang nakiramay kay dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkamatay ng kapatid ng huli na si Arturo Macapagal.
Binawian ng buhay dahil sa sakit na cancer si Arturo nitong Martes ng umaga. Nakaburol ang kaniyang mga labi sa Heritage Park memorial chapels sa Taguig City.
Nitong Martes ng hapon, pinayagan ng Sandiganbayan si Arroyo na makapunta sa burol ng kaniyang nakatatandang kapatid.
Sa tweets ni dzBB's Rod Vega, nakunan ng larawan sina Binay na kasama sina Arroyo at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.
isa sa mga sumalubong Kay cgma sa heritage park si vp binay na nakiramay sa pamilya macapagal @dzbb pic.twitter.com/DX17gcK0h5
— Rodil Vega (@Rodveg72) Agosto 11, 2015Nagtungo rin sa burol ang tiyuhin ni Pangulong Benigno Aquino III's na si dating Tarlac Rep. Jose "Peping" Cojuangco.
Nauna nang nagpahayag ng suporta si Cojuangco sa kandidatura ni Binay bilang kandidatong pangulo sa 2016 elections.
Kabilang si Cojuangco sa mga lider ng dating partido ni Arroyo na Kabalikat ng Malayang Pilipino o Kampi.
Ngayon, kinikilala si Arroyo na lider ng partidong Lakas-CMD na inaasahang susuporta sa kandidatura ni Binay, bilang pambato ng oposisyong United Nationalist Alliance.
Suot ang itim na damit, dumating si Arroyo sa Heritage Park dakong 3:30 p.m. Kapansin-pansin ang pagbaba ng kaniyang timbang.
Naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans' Medical Memorial Center dahil sa kinakaharap na kasong katiwalian sa Sandiganbayan.
Nauna nang pinayagan ng Sandiganbayan si Arroyo na dumalaw sa ospital kung saan nakaratay ang kaniyang kapatid. Pero dahil sa pagpanaw nito, hiniling sa anti-graft court ng kampo ng dating pangulo na payagan na lamang siyang makapunta sa burol.
Pinayagan ng mga mahistrado si Arroyo na magtungo sa burol ng kapatid mula 4:00 pm hanggang 8:00 p.m. simula sa Martes hanggang sa Biyernes.
Inihahanda ng kampo ni Arroyo na ang paghahain ng supplemental motion sa Sandiganbayan para payagan ang dating pangulo na makadalo sa libing ng kapatid sa Sabado, August 15. — FRJ, GMA News
Tags: gloriaarroyo, jejomarbinay
More Videos
Most Popular