ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buhawi, nanalasa sa Pikit, North Cotabato; 150 bahay, nasira


Winasak ng buhawi ang may 150 kabahayan sa sa tatlong barangay sa Pikit, North Cotabato.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing nagkalat sa lugar ang mga tinangay ng malakas na hangin tulad ng pader, bubong, kahoy at gamit ng mga residente.

Ang buhawi ay sinabayan pa umano ng malakas na ulan at nagdulot din ng pagbaha.

Isang residente ang iniulat na nasugatan.



Nangako naman ang lokal na pamahalaan na tutulungan ang mga naapektuhang residente.

Samantala, patuloy naman ang pagtatanggal ng debris sa landslide na naganap sa bahagi ng Bontoc-Kalinga road sa Mountain Province.

Nangyari ang pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Kung hindi na umano uulan, inaasahang mabubuksan na ang nabarahang kalsada ngayong Sabado. --- FRJ, GMA News

Tags: buhawi, tornado