Dambuhalang puno
Sinasabing may sukat na 305.585 centimeters in bole diameter ang pinakamatanda at pinakamalaking puno sa Pilipinas. Alam nyo ba kung ano ang pangalan ng punong ito at saan ito makikita? Ang pinakamatanda at pinakamataas na puno sa Pilipinas ay makikita sa bayan ng Magallanes sa Agusan del Norte. Ito ay tinawag na âBita-og" na nakita umano sa guhit ng isang European cartographers na gumawa ng mapa ng Mindanao noon 1500âs. Napansin ang puno ng âBita-og" noong Disyembre 1980. Ngunit opisyal itong kinilala bilang punong kahoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 1998 at nalista sa scientific name na âCalophyllum inophyllum." Pinapaniwalaan na noong 1500s ay mayaman sa puno ng "Bita-og" ang Butuan na naging saksi sa maraming kasaysayan ng Pilipinas kasama na ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Kastila sa mga naninirahan sa Mindanao. At dahil noong panahon ay ipinapangalan sa likas-yaman ang mga lugar, may indikasyon din na ang dating pangalan ng Hilagang bahagi ng Mindanao na "Bitau" ay mula sa punong "Bita-og." - GMANews.TV