TRIVIA: Pinoy billion dollar men sa Pilipinas, dumami sa ilalim ng PNoy govt
Dumami ang mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa sa loob ng limang taong administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang 2015, batay sa listahan ng Forbes magazine.
Sa listahan ngayong 2015, bukod sa dumami ang Pinoy billion dollar men mula 2010 na simula ng administrasyong Aquino, lalong lumaki rin ang kanilang yaman.
Naupong pangulo ng bansa si Aquino noong Hulyo 1, 2010, matapos ang termino ni dating Pangulong Gloria Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga.
Nagsimulang maging pangulo si Arroyo noong 2001 matapos palitan ang napatalsik na si dating Pangulong Joseph Estrada. Nagtapos ang panunungkulan ni Arroyo noong Hunyo 30, 2010 matapos manalo sa kontrobersiyal na 2004 presidential elections.
Sa taong 2010, lima pa lang ang nakapasok sa Forbes list bilang billion dollar Pinoy na kinabibilangan nina Henry Sy (US$5 billion), Lucio Tan ($2.1 billion), John Gokongwei ($1.5 billion), Jaime Zobel de Ayala ($1.4 billion), at Andrew Tan ($1.2 billion).
Pasok naman sa top 20 ng pinakamayayamang Pinoy noong 2010 sina:
6. Tony Tan Caktion ($980 million);
7. Enrique Razon Jr. ($975 million);
8. Beatrice Campos ($840 million);
9. George Ty ($805 million);
10. Eduardo Cojuangco Jr. ($760 million);
11. Inigo and Mercedes Zobel ($730 million);
12. David Consunji ($715 million);
13. Emilio T Yap ($665 million);
14. Andrew Gotianun ($500 million);
15. Vivian Que Azcona ($445 million);
16.Oscar Lopez ($420 million);
17.Manuel Villar ($380 million);
18. Jon Ramon Aboitiz ($360 million);
19. Mariano Tan ($330 million); at
20. Robert Coyuito Jr ($310 million).
At sa unang taon sa pamamahala ni Aquino 2011, umangat sa 11 ang bilang ng mga Pinoy billion dollar men sa listahan ng Forbes, na pinangunahan pa rin ni Sy na may naitalang yaman na $7.2 billion.
Nangyari ito kahit bumaba ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa pagtatapos ng 2011 sa 3.8 percent, kumpara sa 6.1 percent sa huling bahagi ng 2010.
Ang 10 pang naging billion dollar Pinoy sa taong 2011 ay sina:
2. Lucio Tan ($2.8 billion);
3. John Gokongwei Jr. ($2.4 billion);
4. Andrew Tan ($2 billion);
5. David Consunji ($1.9 billion);
6. Jaime Zobel de Ayala ($1.7 billion);
7. Enrique Razon Jr. ($1.6 billion);
8. Eduardo Cojuangco Jr. ($1.4 billion);
9. Roberto Ongpin ($1.3 billion);
10. George Ty ($1.1 billion), at
11. Tony Tan Caktiong ($1 billion).
Pasok din sa top 20 richest Pinoys ng 2011 sina:
12. Inigo and Mercedes Zobel ( $980 million);
13. Emilio Yap ($930 million);
14. Andrew Gotianun ($795 million);
15. Jon Ramon Aboitiz ($760 million);
16. Beatrice Campos ($685 million);
17. Manuel Villar ($620 million);
18. Vivian Que Azcona ($555 million);
19. Robert Coyiuto Jr. ($400 million); at
20. Mariano Tan ($375 million).
Ang paglago ng ekonomiya ang kabilang sa mga ipinagmalaki ni Aquino na nagawa ng kaniyang pamahalaan.
Sa isang pahayag ng Malacanang, sinabing mula 2010 hanggang 2014, nasa 6.3 percent ang GDP ng Pilipinas.
(larawan mula sa Malacanang Official Gazette)
Sa second quarter of 2015, naitala sa 5.6 percent ang GDP ng bansa, ayon naman sa inilabas na ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Huwebes.
Samantala, limang taon matapos ang pamamahala ni Aquino, nasa 17 na ang Pinoy billion dollar men sa Forbes list. Bagaman halos hindi nagbago ang mga pangalan sa top 20 richest list, lalo namang lumaki ang kanilang yaman.
1. Henry Sy ($14.4B);
2. John Gokongwei Jr. ($5.5B);
3. Andrew Tan ($4.5B);
4. Lucio Tan, ($4.3B);
5. Enrique Razon, Jr., ($4.1B);
6. George Ty, ($4B);
7. Family Aboitiz, ($3.6B);
8. Jaime Zobel de Ayala, ($3.5B);
9. David Consunji, ($3.2B);
10. Tony Tan Caktiong, ($2.2B);
11. Lucio and Susan Co ($1.7B);
12. Robert Coyuito Jr. ($1.6B);
13. Manuel Villar ($1.5B);
14. Yap Family ($1.4B);
15. Alfredo Yao ($1.3B);
16. Dean Lao ($1.1B);
17. Oscar Lopez ($1B);
18. Andrew Gotianum ($910M);
19. Betty Ang ($905M); at
20. Roberto Ongping ($900M).
Datos sa kahirapan
Kasabay ng sinasabing paglago ng ekonomiya, patuloy din ang paghanap ng pamahalaan ng solusyon sa problema sa kahirapan.
Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Marso, sinabing nasa 25.8 percent ang poverty incidence sa bansa sa first semester ng 2014.
Batay umano ito sa resulta ng isinagawang Annual Poverty Indicators Survey (APIS) noong July 2014. Ang naturang bilang ay mas mataas sa 24.6 percent na naitala sa kaparehong panahon noong 2013.
Sa hiwalay na datos mula sa National Statistical Coordination Board (NSCB), lumitaw na ang poverty incidence noon 2009 ay nasa 20.5 percent at 19.7 percent noong 2012.

Sa isinagawang survey naman ng Social Weather Station (SWS) sa self-rated poverty, lumitaw na sa pagtatapos ng termino ni Arroyo, naitala sa 50 percent noong June 2010 ang bilang ng mga respondents na nagsabing mahirap sila.
Nasa 48 percent ang bilang ng mga nagsabing mahirap sila sa simula ng termino ni Aquino na isinagawa noong September 2010.
Pagkaraan ng limang taon ng liderato ni Aquino, lumitaw sa pinakahuling tala ng SWS survey na isinagawa nitong June 2015 na 51 percent ang nagsasabing mahirap sila. -- FRJ, GMA News