ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
BFAR, 'di matukoy kung anong uri ang isda

Isda na may kakaibang hitsura, natagpuan sa dalampasigan ng Davao


Palaisipan sa mga residente ng Davao CIty ang napadpad na isda sa dalampasigan ng Isla Suerte sa Davao City nitong Martes.

Sa ulat ni Sheilla Vergara Rubio ng GMA-Davao sa GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabing pinagkaguluhan ng mga residente ng Isla Suerte, barangay 76-A sa Davao city ang isda na ngayon lang daw nila nakita.



Ayon kay Nonito Andrade, nakita niya ang isda sa dalampasigan na may sugat sa ulo.

Buhay pa raw ang isda nang makita pero namatay din kinalaunan.

Posibleng tinangay daw ng alon ang isda kaya napadpad sa dalampasigan.

Malaki na hugis tatsulok ang ulo ng isda at pahaba ang katawan na parang palos at tila may buntot na patulis sa dulo.

Ipinagbigay-alam na sa mga opisyal sa barangay ang nakitang isda para maireport sa kinauukulan.

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Region 11, hindi pa matiyak at patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri kung anong uri ng isda ang napadpad sa lugar. -- FRJ, GMA News