ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Paul McCartney, pinangunahan ang isang kampanya vs. climate change


Sa pamamagitan ng isang awitin, pinangunahan ni Paul McCartney ang isang grupo ng mga kilalang musikero sa pangangampanya para sa isang pangmatagalang kasunduan na magtataglay ng seryoso at konkretong mga hakbang laban sa climate change.

Ito'y matapos mapagkasunduan ang planong paglulunsad ng  global "concerts."
 
Inilabas sa publiko ang "Love Song to the Earth" noong Miyerkules, mga tatlong buwan bago ang "top-level talks" sa Paris na pangungunahan ng United Nations, na naglalayong makapagpatibay ng pangmatagalang kasunduan sa pagpigil ng pagtaas ng temperatura sa daigdig.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, "Over a melody typical of mainstream Western pop, a succession of stars sing verses about the Earth that include, 'Looking down from up on the moon / It's a tiny blue marble / Who'd have thought the ground we stand on could be so fragile?'"
 
Bukod kay Beatles legend McCartney, kabilang rin sina rocker Jon Bon Jovi, folk-pop singer Sheryl Crow, kilalang Beninese singer Angelique Kidjo, at Jamaican rapper Sean Paul na nagbigay ng boses sa awitin.
 
Ayon kay pop singer Natasha Bedingfield, na kabilang din sa grupo, ang mensahe ng awit ay ang pangangalaga sa ating planeta at ang bawat isa ay hindi dapat magbulag-bulagan.
 
"With this song we wanted to talk about the environment in a way that would help people feel empowered to do something rather than be paralyzed by fear," ayon kay Bedingfield
 
Naging "live' sa Apple Music noong Miyerkules and awitin at ito'y ilalagay sa general sale sa Biyernes.

Ibibigay sa UN Foundation at sa US arm of Friends of the Earth ang anumang malilikom na pera mula sa kampanya.

Naisipan kilalang mga musikero ang proyekto matapos maudlot ang balak na "Live Earth" concerts noong June 18.

Matatandaang inanunsyo pa ni dating US vice president at environmental activist Al Gore, at "Happy" singer Pharrell Williams ang nabigong concert sa World Economic Forum sa Davos noong nakataang Enero. Ngunit itutuloy din ang earth concerts matapos maantala. — LBG, GMA News