ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bayani sa likod ng APO Hiking Society


Ang APO Hiking Society ang pinakamatagal at pinakasikat na “Trio" sa Pilipinas. Ngunit alam nyo ba na apat noon ang myembro ng "APO" at galing sa isang bayani ang pangalan ng grupo? Pawang Atenista (nag-aral sa Ateneo de Manila) ang myembro ng APO na sina Boboy Garovillo, Jim Paredes at Danny Javier. Ang nawala sa grupo ay si Lito de Joya na nagpasyang tumulong sa negosyo ng kanyang pamilya noong 1973. Ang orihinal na pangalan ng APO ay Apolinario Mabini Hiking Society, na hango sa pangalan ng paralitikong bayani na si Apolinario Mabini, kinikilalang utak ng rebolusyon laban sa mga Kastila. Ngunit bago nila ginamit ang "Apolinario Mabini Hiking Society," una nilang inisip na pangalanan ang grupo na “Jose Rizal Bulletproof Vest Company"; “Kataas-taasang Kagalang-galangang Kombo"; at “The Purple People." Nang ideklara ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law, napag-initan ang Apolinario Mabini Hiking Society dahil sa mga awitin nitong kritikal sa gobyerno. Napilitan silang alisin ang “Mabini" at iwan ang "Apolinario" hanggang sa tuluyan na itong makilala sa tawag na “APO."— GMANews.TV

Tags: pinoytrivia