ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sa Brazil

Daga, sinanay daw ng mga preso para magdala ng droga sa mga selda


Nasakote ng mga pulis ang ilang bilanggo sa isang piitan sa Brazil dahil sa ginagawang pagsanay umano sa isang daga para maghatid ng iligal na droga at iba pang kontrabando sa mga selda sa kulungan.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing nadiskubre ng mga awtoridad ang ginagawa ng mga preso nang makitang gumagala ang isang daga na may tali sa buntot.

"He was so tame he let his head be stroked," patungkol sa daga ni Gean Carlos Gomes, direktor ng piitan sa hilagang estado ng Tocantins .

"Then the officers noticed that the mouse was going from cellblock A to cellblock C. The prisoners had tied a wire to its tail and were using it to carry drugs and other objects, such as a mobile telephone chip," dagdag ng opisyal.

Nang suriin umano ng mga pulis ang selda, nadiskubre ang mga cocaine at marijuana.

Susuriin umano ang mga kuha sa security camera sa loob ng kulungan para matukoy kung sino ang tunay na amo ng daga.

Ang maamong daga, pinakawalan naman sa gubat. —AFP/FRJ, GMA News