ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

76K ektaryang palayan sa Ilocos ‘di pa natatamnan


Umaabot 76,000 sa mahigit 301,000 ektaryang palayan sa Ilocos region hindi pa natatamnan ng palay dahil sa madalang na pagdating ng ulan. Karamihan umano sa bukiring hindi natamnan ay nasa Pangasinan, La Union, at Ilocos Sur, ayon kay Edmund Quiniz, chief agriculturist ng Department of Agriculture sa Region 1. Hindi rin nataman ang may 1,000 ektaryang lupain sa Ilocos Norte dahil sa tagtuyot, dagdag pa nito. Nangangamba ang mga magsasaka doon na masisira ang kanilang mga punlang palay kung hindi darating ang ulan sa tamang panahon. Karamihan umano sa mga apektadong bukirin ay rain-fed o umaasa lamang sa pagdating ng ulan para matamnan. Isang buwan at kalahati na ang mga punla at ilang araw na lamang hindi na ang mga ito maaaring ilipat sa bukid, ayon sa mga magsasaka. Inamin ni Quiniz na hindi spat ang cloud-seeding operation sa rehiyon. Aniya, sa kabila ng tagtuyot sa malaking bahagi ng Luzon, hindi maaapektuhan ang suplay ng bigas sa bansa dahil kayang punan ang kakulangan ng Luzon ng ibang mga probinsya sa Visayas at Mindanao. Inaasahang ang bumper rice harvest sa Visayas at Mindanao dahil sa mangandang pagdating ng ulan doon. - GMANews.TV