ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
WATCH
2 preso sa Cebu, nakatakas gamit ang sili
Dalawang preso sa isang piitan sa Carcar, Cebu ang nakatakas matapos sabuyan ng tubig na may dinikdik na sili ang kanilang guwardya.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, lumitaw sa imbestigasyon na naglilinis ang mga preso nang biglang nilang sabuyan ng tubig na may halong sili sa mukha ang guwardiya at sabay talon sa kanilang pagtakas.
Tuluyang nakatakas ang dalawang bilanggo na sina Junard Ramos na may kasong carnapping, at Rodelio Apura na may kasong kaugnayan sa iligal na droga.
Nabigo namang makatakas ang isa pang bilanggo na si Jenson Dawat matapos mabalian nang tumalon mula sa ikalawang palapag ng kulungan.
Inalerto na ang pulisya sa lugar para madakip ang mga pugante. -- FRJ, GMA News
Tags: prisonbreak
More Videos
Most Popular