ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Teenager, patay matapos nakuryente umano nang gamitin ang cellphone na naka-charge


Isang 13-anyos na babae ang nasawi nang makuryente umano nang gamitin ang cellphone na naka-charge sa Sipocot, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing inabutan ng ina ang anak na biktimang si Judy Anne Ajero na wala nang buhay sa kanilang bahay dakong 10:00 am nitong Martes.

Nakasubsob umano sa sahig ang biktima at nakadikit sa mukha nito ang ginagamit na cellphone na nasunog.

Sinabi sa ulat na depektibo at inayos lang umano ang kable ng charger. -- FRJ, GMA News