Pinay DH na ginutom daw ng kaniyang mga amo sa Singapore, naghain ng reklamo
Isang Pinay domestic helper sa Singapore ang iniulat na naghain ng reklamo laban sa kaniyang mga amo dahil sa ginawang pagmaltrato umano sa kaniyang sa loob ng mahigit isang taon.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, sinabing ibinalita ng Channel News Asia ang sinapit ng Filipina sa loob ng mahigit isang taon sa kamay ng mga amo nitong Singaporean.
Sa isang araw, dalawang beses lang daw pinapakain ang Filipina na puro instant noodles lang.
Nang makatakas sa kanyang mga amo ang Pinay, humingi raw ito ng tulong sa isang organisasyon para sa migrant workers.
Dinidinig na sa korte ang reklamo laban sa mag-asawang Singaporean.
Nahaharap sila sa hanggang isang taong pagkakakulong at multang aabot sa 10,000 Singaporean dollars, o katumbas ng mahigit P300,000. -- FRJ, GMA News