ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pasahe sa jeep sa NCR at ilang rehiyon, P7 na lang simula Biyernes


Tinapyasan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 50 sentimos ang pamasahe sa jeep sa Metro Manila at ilang mga probinsya.

Simula sa Biyernes, January 22, 2016, ang minimun na pasahe ay P7 na lamang mula sa dating P7.50.

Kabilang sa mga rehiyon na makikinabang sa nabanggit na minimum jeepney fare reduction ay ang Region III (Central Luzon) and Region IV (CALABARZON) at MIMAROPA (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan).

Pinangunahan ng ilang mga grupo sa transportasyon ang petisyon na babaan ang minimum na pamasahe sa jeep matapos muling bumaba ang presyo ng langis (mababa na sa P20/litro) noong Martes. —LBG, GMA News