Tulong ng OIC hiningi ng MNLF sa sagupaan sa Sulu
Nanawagan ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa Organization of Islamic Conference (OIC) upang mamagitan sa bakbakan sa Sulu na nag-iwan ng maraming sundalo at rebeldeng patay. "We informed the OIC of the current situation through e-mail and fax direct to Jeddah. We requested them to intervene in the fighting that may escalate in other municipalities of Sulu," ayon kay MNLF vice chairman Hatimil Hassan. Nangangamba ang opisyal ng MNLF na madadamay ang usapang pangkapayapaan sa nangyayaring girian sa pagitan nila ng gobyerno. Ang OIC ay grupo ng 57 Islamic nations at organizations, na kabilang ang MNLF. "We are optimistic the OIC will respond to our appeal. We are waiting anytime for their response," idinagdag ni Hassan. Isinisi ni Hassan ang madugong sagupaan sa Sulu sa militar. "Our troops were on self-defense mode. They only fired their guns because they were under attack and they have to defense themselves. We respect and support the peace agreement but it seems the military is not respecting it," ayon kay Hassan. Sinabi ni Hassan na 30 trak ng sundalo ang pumalibot sa kanilang kampo sa pamumuno ni MNLF Sulu State chairman commander Kayd Ajibon sa bayan ng Marang. Ayon sa opisyal ng MNLF, umalis na sa kanilang kampo si Ajibon at kanyang tauhan subalit nasa lugar pa rin ang mga sundalo. Inakusahan ni Hassan ang militar ng pag-atake sa posisyon ng MNLF sa barangay Sampunay sa bayan ng Parang mula Agosto 7 hanggang 8 na pumatay sa MNLF commander na si Jihli Habby at kanyang anak at tatlo pang katao. "Although under attack, our forces on the ground have not declared Jihad. Right now, separates fighting are ongoing in the towns of Parang, Maimbung and Indanan," ayon kay Hassan. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV