ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Amazing friendship sa Brazil

Penguin, taun-taon binabalikan ang lalaking nagligtas sa kaniya sa kamatayan


Marami ang humanga sa kuwento ng pagkakaibigan ng isang mangingisda sa Brazil at isang penguin na taun-taon ay lumalangoy umano ng 5,000 milya para makasama ang taong sumagip sa kaniyang buhay.

Batay sa mga ulat, taong 2011 nang makita ng 71-anyos na mangingisdang si Joao Pereira de Souza ang penguin na pinangalanang Dindim, na puno ng langis, gutom at nakasadsad sa batuhan.

Inalagaan ito ni de Souza sa kaniyang bahay hanggang sa lumakas at saka ibinalik sa dagat.

Hindi inakala ni de Souza na pagkaraan ng ilang buwan ay bumalik sa kaniya ang penguin at ilang buwan na mananatili sa kaniya. Umaalis muli at nawawala ng ilang buwan ang penguin at muling bumabalik. -- FRJ, GMA News