1 patay sa salpukan ng jeep at bus
Patay ang konduktor ng bus na sumalya sa barandilya ng isang tulay sa lalawigan ng Quezon, maaga nitong Huwebes.
Kinilala ang konduktor na si Reynaldo Teofilo, na nahulog sa tulay matapos sumalpok ang naaksidenteng pampasaherong bus ng AB Liner.

Rredz Ram and Teresa Ravina
Sa paunang imbestigasyon, binangga ng bus ang isang jeep na may kargang kahoy
dakong 5:30 ng umaga, nawalan ng kontrol ang drayber hanggang sa sumalya ang bus sa tulay sa Barangay Domoit sa Lucena City.
Sa tindi ng pag salpok sa jeep, bumangga sa barandilya ng tulay ang bus at muntik pa itong mahulog.
Isninugod sa Quezon Medical Center ang iba pang nasugatan na mga pasahero ng bus na nakasalya sa tulay na may lalim na 30 metro.
Nagkalasog-lasog naman ang jeep na sinalpok ng bus.

Rredz Ram and Teresa Ravina
Hanggang mga alas-7 ng umaga nitong Huwebes, nakasabit parin ang bus at nanganganib na mahulog ng tuluyan. — Peewee Bacuño/LBG, GMA News