Escape artist lion na si 'Sylvester,' nakatakas na naman
Sa ikalawang pagkakataon, nakapuslit na naman sa kaniyang hawla sa South African National Parks (SANParks) ang lion na pinangalanang "Sylvester" at pinaniniwalaang gumagala ngayon sa kagubatan.
Hinihinala ng namamahala sa SANParks na nakalabas ng hawla ang lion sa pamamagitan ng pagdaan sa ilalim ng electric fence habang kasagsagan ng ulan.
"We realized early yesterday morning when they check all the satellite tracking collars that he had escaped. We are awaiting a helicopter to begin an aerial search," saad ni SANParks spokeswoman Fayroush Ludick sa ulat ng Reuters.
Noong nakaraang taon, tatlong linggong hinanap si Sylvester nang makatakas din sa kaniyang hawla.
Maliit naman daw ang tiyansang maka-engkuwentro ng tao ang lion habang gumagala ito sa kagubatan.
"It's the very same lion that escaped last year. I think we should change his name to Houdini," ayon kay Ludick, patungkol sa sikat na Hungarian-American illusionist at escape artist.
Inaasahan naman na mas madaling mahahanap at mahuhuli ang lion ngayon dahil sa nakakabit na sa kaniyang a tracking collar. -- Reuters with FRJ, GMA News