ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bangkay ng babae na walang damit, nakita sa loob ng drum
Isang bangkay ng babae na walang damit ang natagpuan sa loob ng isang drum na nakita sa ilalim ng MMDA Ferry Station sa Escolta, Maynila nitong Biyernes ng umaga.
Sa ulat ni Susan Enriquez sa GMA News 24 Oras, sinabing nakatali ang kamat may balot ng packaging tape ang buong mukha ng biktima.
Ayon sa mga nakakita sa drum, kaagad silang tumawag sa Philippine Coastguard nang maghinala sa laman ng drum.
Nang buksan ang drum, nakita na ang bangkay na halos naagnas na at walang pagkakakilanlan.
Dinala sa punerarya ang biktima para sa isailalm sa awtopsiya.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa 5' 0" hanggang 5' 2" ang taas ng biktima at tinatayang nasa edad 50 hanggang 57. -- FRJ, GMA News
Tags: crime
More Videos
Most Popular