Duterte, pinakahuling bumoto sa lahat ng presidential bets
Pinakahuli umanong bumoto nitong Lunes si Mayor Rodrigo Duterte, sa lahat ng limang presidential candidates.
Dumating ang alkalde ng Davao City sa kayang voting precinct sa Daniel R. Aguinaldo National High School dakong alas-3 ng hapon.
Duterte now casting his votes #Eleksyon2016 pic.twitter.com/AcGW2XWETP
— Trisha Macas (@trishamacas) May 9, 2016
Pinagkaguluhan si Duterte ng kanyang mga suporter at ng mga miyembro ng media.
Umaga pa lamang, bumoto na ang ilang presidential candidates.
Samantala, bago sumapit ang araw ng halalan, pinaigting na ng mga pulis-Davao ang seguridad ng siyudad.
Relaks lamang umano ang alkalde sa araw ng eleksyon, ayon sa kanyang executive assistant na si Bong Go.
Ayon naman sa kanyang spokesperson na si Peter Laviña, nakagawian na ni Duterte na hindi masyadong makihalubilo sa publiko para umano sa kanyang kaligtasan at upang hindi siya makaagaw ng atensyon sa araw ng halalan.
Inaasahang maglilibot is Duterte sa ilang mga presinto sa Davao City pagkatapos niyang bumoto. —LBG, GMA News