ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
7 lalaki, patay sa pamamaril sa Cavite; koneksyon sa halalan, inaalam
Pitong lalaki, kabilang ang isa umanong tagasuporta ng isang kandidatong alkalde, ang nasawi sa pamamaril sa Rosario, Cavite.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Lunes, ipinakita ang kuha sa closed-circuit-television camera ng ilang sasakyan na nagpabalik-balik sa pinangyarihan ng krimen.
Sa pangatlong pagbalik ng convoy, mapapansin na nakabukas na ang mga bintana ng sasakyan, at makikita ang mga bangkay ng biktima.
Ayon sa nagpakilalang kamag-anak ng isa sa mga biktima, kabilang sa mga nasawi ang tagasuporta ng isang kandidato na tumatakbo sa pagka-alkalde.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung may kinalaman sa eleksyon ang naturang krimen. -- FRJ, GMA News
Tags: pollviolence, electionviolence
More Videos
Most Popular